
pinggr.comHindi niya kayang mawala ang babaeng mahal niya. Gusto niya itong makasama habang buhay. Kaya nang mabigyan siya ng isang gayuma, ginawa niya ang bagay na akala niya ay makapagbabalik sa kanilang pagmamahalan. Isang inumin. Isang patak ng gayuma. At kapag nainom ito ng babaeng mahal niya... MAMAHALIN SIYA NITO HABANG BUHAY. Pero may mga bagay na hindi dapat pinipilit. At may kapalit ang pag-ibig na hindi kusang ibinigay. Habang unti-unting gumagana ang gayuma, may mas nakakatakot na epekto itong kasunod. Hanggang saan ka handang umabot para sa taong ayaw mong mawala? At paano kung ang pagmamahal na pilit mong ibinalik ang siya palang sisira sa lahat? Panoorin ang official trailer